Senator Franklin Drilon, sinabon ang mga Economic Managers dahil sa mabagal na usad ng “Build Build Build” Projects

Pinuna ni Minority Floor Leader Senator Franklin Drilon ang P8 Trillion na budget ng Administrasyon para sa “Build Build Build” Projects nito.

Ito ay makaraang madiskubre na dalawa pa lang mula sa 75 Infrastracture Projects ang natatapos habang siyam pa lang ang ginagawa ngayon.

Sinabon din ni Drilon ang mga Economic Managers dahil sa mabagal na usad ng mga proyekto.


Nangako naman ang mga Economic Managers na sisikapin nilang mapabilis ang pagtapos sa mga proyekto.

Pero sana anila ay hindi rin matagalan ang pagpasa at pag-apruba sa 2020 National Budget.

Matatandaang na-delay ang implementasyon ng mga proyekto ng pamahalaan dahil sa delay ding pagpasa sa 2019 budget.

Magsasagawa naman ng pagdinig ang Senado hinggil sa pambansang pondo sa susunod na Linggo.

Facebook Comments