Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator SherwonGatchalian na hindi dapat balewalain ni Philippine National Police o PNP ChiefGen. Ronald Bato Dela Rosa ang special report ng reuters kaugnay sa war ondrugs ng Duterte administration.
Sinasabi sa nabanggit na report na may mga pulis nabinabayaran sa bawat pagpatay nila sa mga taong sangkot umano sa iligal nadroga.
Nakasaad din sa naturang report na nagtatanim onilalagyan lang ng ebidensya o baril ang mga napapatay na sangkot sa droga atkaramihan sa mga kaso ng patayan ay itinuturong kagagawan ng mga vigilante.
Ayon kay Gatchalian, kahit walang sapat na ebidensya angreport ng reuters ay dapat na pa imbestigahan ito ni Gen. Dela Rosa.
Katwiran ni Gatchalian, dahil sa nabanggit na report aynalalagay sa alanganin ang integridad ng buong pnp at mga kasapi nito pati narin ang tiwala dito ng publiko.
Bunsod nito ay hinamon ni Gatchaian sa PNP Chief, hubaranng maskara at parusahan ang sinumang pulis na mapapatunayang may kinalaman sasummary killings na nagaganap sa bansa.
Kasabay nito ay hiniling din ni Gatchalian sa dalawangpolice officers na suportahan ng kongkretong ebidensya ang kanilang mgaimpormasyong inilabas upang hindi maakusahan na ito ay bahagi lang ngpropaganda laban sa administrasyong Duterte.
Senator Gatchalian, hinamon si Gen. Bato na imbestigahan at parusahan ang mga pulis na nasa likod ng EJK
Facebook Comments