Senator Gatchalian, naniniwala na walang kakayahan ang gobyerno na hawakan ang operasyon at maintenance ng MRT

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian sa pamahalaan na ipaubaya na sa pribadong sektor ang paghawak sa operasyon at maintenance ng Metro Rail Transit o MRT.

Ang pahayag ni Gatchalian ay kasunod ng tuluyang pagputol ng Department of Transportation o DOTr sa kontrata ng Busan Universal Rail Incorporation o BURI bilang maintenance provider ng MRT.

Aminado si Gatchalian na wala siyang tiwala sa kakayahan ng gobyerno para hawakan ang operation and maintenance ng MRT.


Paliwanag ni Gatchalian, napatunayan na ang pagiging poor operations manager ng pamahalaan sa pangangasiwa nito sa mga paliparan at sa National Power Corporation.

Ayon kay Gatchalian, kailangang makakuha ang MRT ng maaasahang maintenance provider katulad ng Sumitomo na isang world class at experienced company.

Facebook Comments