Nilinaw ni Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Senator Sherwin Gatchalian na limitado at hindi full opening of classes ang kanyang isinusulong.
Diin ni Gatchalian, ang kanyang mungkahi ay localized o nakabase sa sitwasyon sa bawat lokalidad na pagbubukas ng klase.
Binanggit ni Gatchalian na may ibang Local Government Units o LGUs ang nais na magkaroon ng workshop o engagement sa paaralan kahit isang beses sa isang linggo ang mga mag-aaral para matuto.
Giit ni Gatchalian, ang kanyang apela ay humanap ng solusyon o paraan upang magkaroon ng interaksyon sa mga estudyante tulad ng ginagawa sa ibang bansa.
Nananawagan din si Gatchalian ng proteskyon o suporta para sa kalusugan ng mga guro may face-to-face classes man o wala dahil sila ay maituturing ding frontliners.