Senator Gatchalian, umaasa na drug lords ang target ng mas pinabangis na ‘War on Drugs’

39

Nauunawaan ni Senator Win Gatchalian ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas magiging mabangis ang ipinapatupad na ‘War on Drugs’.

Kasunod ito ng mga insidente ng paglutang sa karagatan ng bulto-bultong cocaine.

Kaugnay nito, ay umaasa si Gatchalian na magiging target ng mas maigting na ‘War on Drugs’ ang mga drug lords.

Inaasahan din ni Gatchalian na magiging daan ito para matukoy ang mga pinuno ng drug cartel na patuloy na nagpapasok at nagpapakalat ng ilegal na droga sa bansa.

Giit ni Gatchalian, kailangang panagutin ang mga drug lords na ito sa pagsira nila sa buhay at kinabukasan ng mga kabataan na nalululong sa illigal na droga.

Facebook Comments