Senator Go, itinanggi na siya ang may ari ng papasok na bagong motorcycle taxi

Mariing pinabulaanan ni Senator Christopher Bong Go ang kumakalat sa Twitter at ibang social media outlets na sya daw ang may-ari o may interes sa Joyride.

 

Ang Joyride ay sinasabi na isa sa dalawang bagong papasok na motorcycle taxi kaya nagdesisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na bawasan ng libu libo ang mga drivers na pumapasada sa ilalim ng Angkas.

 

Diin ni Go, fake news po ang nabanggit na impormasyon at sa totoo lang ay ngayon lang niya lnarinig ang kumpanyang Joyride.


 

Pagtiyak ni Go, agad madi-deny ang aplikasyon ng sinuman na gumagamit sa kanyang pangalan o kaya ay nagpapakilala na kaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments