Senator Go, kontento sa pagtugon ng LGUs at national government sa pananalasa ng Bagyong Rolly

Pinuri ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang maagap na paghahanda ng mga Local Government Units (LGUs) bago pa man humagupit ang Bagyong Rolly.

Sinabi ni Go na ang agarang preemptive evacuation ang dahilan kaya naiwasan ang mas matinding sakuna bagama’t mayroong mga disgrasya na hindi naiwasan tulad ng pagragasa ng lahar.

Pinasalamatan din ni Go ang mga government agency na agad na tumugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtulung-tulong para maibalik agad sa normal ang lahat sa mga komunidad na nasalanta ng bagyo.


Binigyang-diin ni Go na pasado sa kanya ang ginawang pagtugon ng mga LGU at national government agencies dahil ang mahalaga sa kanya ay walang masaktan at mapahamak.

Kaugnay nito ay umapela rin si Go sa gobyerno na tiyaking ang mga evacuation centers ay maayos at dapat ay nakadesenyo na makaiwas sa pagkakahawa ng COVID-19 at iba pang sakit.

Samantala, nanawagan si Go sa mga kababayan na huwag nang pag-aksayahan ng panahon ang pambabatikos ng mga kritiko ng administrasyon.

Facebook Comments