Senator Go, pinag-iisipang umatras sa kandidatura sa pagkapangulo

497

Nagpahiwatig si Senator Christopher “Bong” Go na baka hindi pa niya panahon para mamuno sa bansa at ayaw rin niyang mahirapan si Pangulong Rodrigo Duterte at kanilang mga supporters.

Dahil dito ay tiniyak ni Go na handa siyang magsakripisyo.

Sinabi ni Go na bagama’t nakakataba ng puso ang mainit na pagtanggap at suporta ng maraming kababayan pero sa mga nakalipas na araw ay nagkokontrahan ang kanyang puso at isip sa kanyang mga ginagawa.


Sa kabila nito, ay ipinauubaya na ni Go ang kanyang kapalaran sa Diyos at sa sambayanang Pilipino.

Facebook Comments