Senator Go, umapela sa IATF na payagan ang ligtas na pag-aangkas sa motorsiklo

Hiniling ni Senator Christopher Bong go sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Diseases (IATF-EID) na pag-aralang mabuti ang mga panukala para sa ligtas na pag-aangkas sa motorsiklo.

Giit ni Go, malaking tulong sa publiko kung papayagan ang ‘backriding’ sa motorsiklo lalo na at limitado pa ang public transportation dahil sa COVID-19 situtation.

Pero ayon kay Go, dapat pag-aralan muna ang mga patakaran para maproteksyunan laban sa virus ang mga aangkas sa motorsiklo habang tinitiyak din ang kanilang kaligtasan sa mga lansangan.


Binanggit ni Go ang mga mungkahi tulad ng paggamit ng plastic dividers sa gitna ng nagmamaneho at ng pasahero ay sapat upang hindi makahawa ng sakit.

Binigyang diin ni Go na una sa lahat, ay buhay muna ng tao ang pinaka-importanteng maikonsidera sa anumang desisyon na gagawin ng gobyerno na dapat sundin ng mahigpit ng mamamayan.

Facebook Comments