Senator Go, umapelang huwag muna siyang idamay sa pulitika

“Bakuna muna bago ang pulitika.”

Ito ang tugon ni Senator Christopher “Bong” Go sa pagsusulong ng kanilang kapartido sa Go-Duterte tandem para sa 2022 elections.

Diin ni Go, na siyang chairman ng Senate Committee on Health, ngayon ay tutok siya sa pagseserbisyo at pagtugon sa pandemya.


Sinabihan na rin ni Go si Energy Secretary Alfonso Cusi na huwag na muna siyang isama sa usapin at sa halip ay unahin na lang ang mga interesadong kapartido.

Binigyang diin ni Go na sa ngayon ay hindi siya interesado dahil mas maraming bagay ang dapat unahin tulad ng pagtiyak na mabakunahan ang lahat ng mga Pilipino para makamit ang herd immunity sa COVID-19.

Facebook Comments