Senator Gordon at Trillanes, nagsalpukan sa pagdinig ukol sa paglusot ng 6.4 billion na shabu sa Bureau of Customs

Manila, Philippines – Sumiklab ang matinding sagutan sa pagitan nina blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon at Antonio Trillanes IV sa pagdinig ukol sa 6.4 billion pesos na shabu galing sa China na nakalusot sa Bureau of Customs.

Ito ay matapos na ireklamo ni Senator Trillanes ang pagbibigay proteksyon kina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio na mister ni Mayor Sarah Duterte.

Sa pagdinig ay lumutang ang palitan ng text messages ng broker na si Mark Taguba at Tita Nanie ng Davao group kung saan nabanggit ang pangalan o pulong daw at Mance na si Atty. Carpio.
Pinasaringan ni Trillanes na mukhang hindi welcome kay Senator Gordon ipatawag ang dalawa sa pagdinig.


Sabi pa ni Trillanes, nagiging committee de abswelto na ang Blue Ribbon Committee bagay na ikinagalit ni Gordon kaya binantaan si Trillanes na ipapa-contempt at sasampahan ng reklamo sa senate ethics committee dahil hindi naman aniyang dapat kumilos ang komite na base lang sa tsisimis.

Sa tindi ng inis ay hindi din napigilan nina Gordon at Trillanes na duruin ang isa’t isa.

Sa gitna ng mainit na pagtatalo ay umawat si Senate Majority Leader Tito Sotto III dahil unparliamentarily na daw ang nangyayari.

Bago si Gordon, ay unang bahagyang pumalag si Senator Tito Sotto sa pahayag ni Senator Trillanes na hindi dapat ituring na sacred cow sina Pulong at Atty. Mans dahil malinaw na ang basehan para paharapin ang mga ito sa padinig

Paliwanag ni Sotto, dapat muna pag-aralang mabuti ang nais ni Trillanes dahil hanggang ngayon ay tila hearsay pa rin ang pagdadawit kina Pulong at Atty. Mans sa Davao group na umanoy nagmamaniobra ng mga kargamento sa Bureau of Customs.

Facebook Comments