Senator Gordon, desididong sampahan ng ethics complaint si Senator Trillanes; Trillanes, handa itong harapin

Manila, Philippines – Wala ng atrasan ang plano ni Senator Richard Gordon na pagsasampa ng ethics complaint laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Nag-ugat ito makaraang mainit na magsagutan sina Gordon at Trillanes sa pagdinig ukol sa 6.4 billon pesos na shabu galing China na nakalusot sa Bureau of Customs.

Katwiran ni Gordon, namimihasa na si Trillanes at ilang beses na itong umakto at nagpakita ng asal na hindi akma para sa isang senador.


Sabi ni Gordon, hindi na mauulit ang pagpapatawag niya noon kay Trillanes matapos mag-walk out sa pagdinig ng pinamumunuan niyang committee on justice ukol sa extra judicial killings.

Sabi naman ni Senator Trillanes na handa siyang harapin ang nasabing ethics complaint.

Palagi aniyang nagbabanta si Gordon na maghahain ng reklamo sa Senate Ethics Committee pero hindi naman natutuloy dahil puro dakdak lang ito.

Facebook Comments