Senator Gordon, inalok ng hanggang 25-milyong pisong suhol para ihinto ang pagdinig ukol sa money laundering activities sa mga POGO

Binunyag ngayon ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon na may nagtangkang magsuhol sa kanya ng 5 hanggang 25 milyung piso.

Sabi ni Gordon, ito ay para hindi na paharapin ang mga miyembro ng pamilya Rodriguez sa pagdinig na kanyang isinasagawa kaugnay sa money laundering activity na konektado sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Kwento ni Gordon, mayroon syang kaibigan na nagparating sa kanya ng impormasyon ukol sa nabanggit na suhol na idodonate daw sa pinamumunuan niyang Philippine Red Cross ang 5-milyong piso, habang 20-million pesos naman ay para sa kanya.


Hindi naman tinanggap ni Gordon ang suhol kasabay ang pagtiyak na ipagpapatuloy niya ang imebstigasyon sa pogo at sa pagpasok ng malalaking halaga ng salapi sa bansa na ginagamit umano sa money laundering activities.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa huwebes ay inaasahan ni Gordon ang pagharap ng pamilya Rodriguez dahil kung hindi ay ipapacontempt na niya ang mga ito.

Base sa naunang pagdinig ang pamilya rodriguez ay isa sa mga nagpasok ng malalaking halaga ng salapi sa bansa.

Facebook Comments