Senator Gordon, muling pinatutsadahan si Pangulong Duterte kasunod ng kautusang huwag nang humarap ang kaniyang gabinete nagpapatuloy na pagdinig sa Senado

Muling pinatutsadahan ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng nagpapatuloy ng pagdinig tungkol sa pagbili ng umano’y overpriced COVID-19 essentials ng pamahalaan.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Duterte sa kaniyang mga Cabinet member na huwag nang humarap pa na nasabing pagdinig.

Ayon kay Gordon, nakikita niyang handa ang pangulo na labagin ang konstitusyon para lamang protektahan ang mga kasamahan nitong korap.


Aniya, trahedya itong maituturing dahil pera ng taong bayan ang ginamit ng mga ito.

Dahil dito, iginiit ng senador na maraming dapat ipaliwanag ang pangulo sa publikong nagtitiwala sa kaniya sa ginagawang pagtatakip sa mga sangkot sa kontrobersiya.

Facebook Comments