Senator Gordon, naka-confine na sa isang ospital dahil sa COVID pneumonia

337

Kahapon ay inihayag ni Senator Richard Gordon na siya ay positibo sa COVID-19.

Natuklasan naman sa resulta ng high resolution chest CT scan na may COVID pneumonia si Senador Gordon.


Dahil dito ay nagpasya ang mga doktor na i-confine na si Senator Gordon sa Makati Medical Center habang patuloy na inoobserbahan.

Bukod dito ay may iba pang medical test na kailangan ding gawin sa senador.

Nagpapasalamat naman si Gordon sa lahat ng nagpadala ng mensahe at nagdadasal para sa kaniyang paggaling.

Tiwala naman si Gordon na hindi magiging malubha ang tama sa kaniya ng COVID-19 dahil siya ay fully vaccinated na.



Facebook Comments