Hindi kinokontra ni Senator Richard Gordon ang reporma sa sin tax law partikular ang isinusulong na pagtaas sa buwis sa sigarilyo.
Dagdag pa ni Gordon, ang sin tax ay epektibong paraan para mapondohan ang basic social services ng administrasyon tulad ng libreng pag-aaral sa kolehiyo at mas pinahusay na univesal healthcare.
Pero diin ni Gordon, bago ipatupad ang tobacco tax increase ay dapat munang maitakda kung paano mapoproteksyunan ang koleksyon dito at magagamit ng tama.
Giit ni Gordon, hindi dapat masayang ang isang batas dahil lang sa hindi nabantayan ang proseso ng pagpapatupad nito.
Bilang mambabatas, ay ikinatwiran ni Gordon na dapat nilang masiguro na mamamayan dito.
Facebook Comments