Manila, Philippines – Buo ang pag-asa ni Committee on Justice and Human Rights Chairman Senator Richard Gordon na tugon sa tumataas na krimeng kagagawan ng riding in tandem ang pagkakaroong mga motorsiklo ng malalaking plaka.
Ang pahayag ay ginawa ni Gordon makaraang lumusot na sa third ang final reading ang Senate Bill No. 1397 o Motorcycle Crime Prevention Act of 2017 makaraang makakuha ng 21 boto mula sa mga senador.
Sa record ng Philippine National Police ay umakyat na 6,026 sa ang naitalang krimen na kagagawan ng riding in tandem noong 2915.
Napakalaki ng itinaas nito kumpara sa naitalang 1,700 na kaso lamang noong 2011.
Nakapaloob sa panukala ang kautusan sa Land Transportation Office (LTO) na mag isyu ng malalaki at reflectorized license plates na ikakabit sa hatapan ay likuran ng mga motorsiklo at makikita kahit sa layong 15-metro.
Ang lalabag na motorista ay papatawan ng hanggang mahigit 2 taong pagkakakulong at multang hanggang 100,000 pesos at pagkumpiska sa motorsiklo.
Inaatasan din ng panukala ang LTO na bigyan ng listahan ang PNP ng lahat ng rehistradong motorsiklo na may kumpletong detalye ng may ari nito.
Nakapaloob din sa panukala na dapat ay agad i-report sa mga otoridad ang ninakaw na motorsiklo.