Senator Gordon, umapela na bigyan ng isang taon ang Motorcycle Crime Prevention Act bago ito husgahan

Bukas si Committee on Justice and Human Rights Chairman Senator Richard Gordon na ma-amyendahan ang Motorcycle Crime Prevention Act.

Pero giit ni Gordon, makabubuti na ipatupad muna ito sa loob ng isang taon bago matukoy ang mga probisyon na dapat baguhin.

Disamayado si Gordon na hindi pa ipinapatupad ang batas ay agad na itong binabaril o hinuhusgahan.


Kabilang sa mga reklamo ng motorcycyle riders ay ang itinatakda ng batas na paglalagay din ng plaka sa harap ng motorsiklo at ang mataas na multa sa mga lalabag dito.

Paliwanag ni Gordon, nilikha ang batas hindi para gipitin ang mga motorcycile riders kundi para hadlangan ang krimen na kagagawan ng riding in tandem tulad ng mga kaso ng Extra Judicial Killings.

Facebook Comments