Senator Grace Poe, Dadalaw sa Cauayan City!

133

Cauayan City, Isabela – Kinumpirma ni Sangguniang Panlungsod Member Marco Paulo Meris ng Cauayan City na dadalaw ngayong araw si Senator Grace Poe dito sa lungsod upang bigyan ng ayuda ang mga nasalanta ng bagyong ompong.

Aniya inimbitahan rin ang senadora sa alay lakad 2018 na isinagawa kaninang umaga ngunit nagkaroon lamang umano ng kaunting pagkaantala sa pagdating niya pero nakadalo naman umano ang unang team ni Senator Poe.


Sinabi pa ni SP Meris na magbibigay umano ng kaunting tulong si senator Poe sa mga nasalanta ng bagyo sa Cauayan City kung saan ang bilang ng mapagkakalooban umano ng tulong ay ang mga nasa listahan ng DSWD sa lungsod na nanguna sa pagtatasa ng mga biktima ng bagyong ompong.

Samantala ang pagdating ni Senator Poe ay sasalubungin umano ni Governor Faustino “Bojie” Dy III, Mayor Bernard Dy at lahat ng opisyal ng Cauayan City.

Facebook Comments