Nilinaw ni Senator Grace Poe na hindi siya tutol sa pagkakaroon ng Emergency Powers ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Poe, nais lamang niya na magkaroon ng kongkretong plano bago nila ito ipagkaloob.
Aniya, bagama’t meron nang ibinigay noon na plano ang Department of Transportation (DOTr) ay hindi naman umano ito detalyado.
Samantala, ayon kay Transport Secretary Arthur Tugade, kung inaprubahan lang noon pa ng Kongreso ang kanilang hinihiling na Emergency Powers para sa pangulo ay malaki na sana ang pinagbago ng trapik sa EDSA ngayon.
Matatandaang nagkaroon ng tensiyon sa Senate Hearing noong Martes si Senator Poe at Tugade dahil sa hindi pagbigay ng Emergency Powers sa kanila na noon pa nilang hinihingi.
Facebook Comments