Senator Honasan, iginiit na inosente siya sa kasong graft

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Gringo Honasan na inosente siya sa kinaharap na kasong katiwalian.

Pahayag ito ni Honasan makaraang maglabas ngayong araw ang Sandiganbayan 2nd division ng warrant of arrest laban sa kanya.

Diin ni Honasan, sa buong buhay niya ay lumalaban siya sa mga akusasyong ibinabato sa kanya.


Tiniyak ni Honasan, patuloy siyang lalaban.

Ang kasong graft ni Honasan ay kaugnay sa umano’y maling paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund o PDAF na nagkakahalaga ng 30 million pesos noong 2012.

Facebook Comments