Senator Honasan, posibleng italaga sa ibang ahensya

Manila, Philippines – Nagpahiwatig si Senate President Tito Sotto III na posibleng italaga si Senator Gringo Honasan sa ibang ahensya sa halip na sa Department of Information and Communication Technology (DICT).

Ayon kay Sotto, kailangan na ire-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte si Honasan bilang kalihim ng DICT dahil bypass ito o hindi pa naisasalang at nakakalusot sa Commission on Appointments bago nagsara ang session nitong Disyembre.

Ang pahayag ay sinundan ni Senator Sotto ng pagbibiro na baka italaga si Honasan sa ibang posisyon.


Nang usisain ng media ay hindi na nagbigay ng detalye o dagdag na impormasyon si sotto at sinabing si Senator Panfilo Ping Lacson na lang ang tanungin.

Si Senator Lacson naman ay hindi nagbigay ng kahit anong sagot o reaksyon nang tanungin patungkol kay Senator Honasan.

Facebook Comments