Senator Hontiveros, hinikayat ang lahat na maging bayani para sa isa’t isa

Ngayong ika-158th na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio ay hinikayat ni Senator Risa Hontiveros ang lahat na pagtibayin ang tapang at kahandaang mag-kaisa para sa kapakanan ng nakararaming mga Pilipino.

Pangunahing inihalimbawa ni Hontiveros na mga bayani katulad ni Bonifacio ang mga healthcare workers, mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, at mga negosyante lalo na ang mga kababaihan na umiinda ng matinding hamon at mga problema.

Ayon kay Hontiveros, sila ay mga tunay na bayani para sa isa’t isa na hindi matatawaran ang kontribusyon para sa bayan.


Diin ni Hontiveros, sa patuloy nating pagbangon mula sa pandemya, ay kailangang ituloy natin ang pagmamalasakit, lalo na sa mga salat sa buhay at mga dumanas ng kawalan ng katarungan.

Ayon kay Hontiveros, Pambihira ang krisis na ito, kaya nangangailangan ito ng pambihirang tibay ng loob mula sa bawat isa.

Dagdag pa ni Hontiveros, dapat magkaisa tayo tungo sa isang bansang may Healthy Buhay at Hanapbuhay.

Facebook Comments