Senator Hontiveros, nasaktan din sa biro ni Senator Sotto kay Secretary Taguiwalo

68

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Risa Hontiveros na walang nakakahiya sa pagiging solo parent.

Reaksyon ito ni Senator Hontiveros sa biro ni Senate Majority Leader Tito Sotto III kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo habang ito ay humaharap sa pagdinig ng commission on Appointments para sa kanyang kumpirmasyon.

Biro ni Senator Sotto, ang salitang kalye para sa mga katulad ni Secrertary Taguiwalo na single mother ay “na-ano lang.”

Ayon kay Senator Hontiveros, hindi dapat gawing biro lang ang pagiging solo parent dahil sobra nilang sini-seryoso ang pagganap ng responsibilidad bilang solong magulang sa kanilang mga anak.

Kaakibat nito ang seryosong pagtatrabaho para buhaying mag-isa ang pamilya.

Una rito, ay agad namang nagsorry si Senator Sotto sa mga nasaktan o nainsulto sa nabanggit niyang biro.

DZXL558

Facebook Comments