Senator Hontiveros, pinagbibitiw si PAO Chief Persida Acosta

Manila, Philippines – Pinagbibitiw ngayong ni Senator Risa Hontiveros si Public Attorney’s Office o PAO Chief Persida Acosta.

Diin ni Hontiveros ang isang mahalagang tanggapan sa pamahalaan tulad ng PAO ay hindi dapat ipaubaya sa kamay ng isang tao na ang track record ay puno ng kasinungalingan, kapabayaan at pagiging hindi patas.

Pahayag ito ni Hontiveros sa harap ng Measles outbreak o pagkalat ng tigdas dahil sa takot ng mga mabulang na pabakunahan ang kanilang mga anak dulot ng negatibong isyu sa dengvaxia.


Sa simula pa lang ay ikinadismaya na ni Hontiveros ang pagsantabi ni Acosta sa mga eksperto mula sa University of the Philippines-Philippine General Hospital sa isinagawa nitong Dengvaxia investigation.

Malinaw para kay Hontiveros na ang umano ay mga kasinungalingan ni Acosta patungkol sa isyu ng Dengvaxia ang Unti unti ngayong pumapatay sa mga bata na dinadapuan ng sakit na maaring mapigilan ng bakuna.

Facebook Comments