Nauunawaan at nirerespeto ni Senator Risa Hontiveros ang damdamin ng mga estudyante kaugnay sa katatapos lang na botohan na basehan ng kanilang panawagan na pag-walk-out sa klase at iba pang protesta na kanilang ikinakasa.
Umaasa si Hontiveros na hindi magtatagal ang kanilang pagliban sa klase upang hindi maapektuhan ang kanilang edukasyon.
Paliwanag ni Hontiveros, nagkaroon na tayo ng education crisis bunga ng mga pagsubok na ating dinanas bago at ngayong panahon ng pandemya.
Ipinunto pa ni Hontiveros na dahil sa dalawang taon ng pandemya ay nawala ang face-to-face classes at ngayon ay nagsisimula pa lang na maibalik ang klase sa mga eskwelahan.
Giit ni Hontiveros, kailangan natin ang dekalidad na edukasyon para sa mga kabataan dahil sila ang mga lider at magiging lider natin sa lahat ng sektor ng ating lipunan sa kinabukasan.
Kaya naman umaasa si Hontiveros na sana ay magkaroon ng maayos na resolusyon sa mga valid na issue na idinadaing ng mga estudyante.