Senator Hontiveros, umapela sa publiko na huwag pansinin ang mga kasong isinampa laban sa kanya ng VACC

Manila, Philippines – Umapela si Senator Risa Hintiveros sa publiko na huwag na pag-aksayahan ng panahon at pansinin ang mga kasong isinamapa laban sa kanya ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay Hontiveros, ang paghahain mga kasong kidnapping at paglabag sa anti-wiretapping law ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre’s group at VACC ay isang desperadong hakbang para ilihis ang isyu sa kanilang pagsasabwatan.

Diin ni Hontiveros, patunay ito na totoo ang laman ng palitan ng text messages nina Secretary Aguirre at dating Congressman Jing Paras ng VACC na may nilulutong kaso laban sa kanya.


Sa kabila nito, iginiit ni Hontiveros na tuloy ang kanyang kampanya para sa katarungan at para panagutin at pagbitiwin sa pwesto si Secretary Aguirre.

Facebook Comments