Kung ang kapatid ng pangulo na si Senator Imee Marcos ang tatanungin, dapat na bitawan na ng presidente ang Department of Agriculture (DA).
Ayon sa senadora, panahon na para ipaubaya sa undersecretaries ang pagpapatakbo at pamamahala sa DA.
Sa umpisa aniya ay mukha namang magandang ideya na kinuha ng pangulo ang Kagawaran ng Agrikultura dahil malinaw naman sa simula na pangunahing problema ang pagkain na siyang dapat tugunan agad nang maupo ito sa pwesto.
Tulad sa kanilang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na panahon ng Vietnam war naging pangulo at ang kinuhang ahensya na tututukan ay ang Defense Department.
At kahit hindi na ito ang DA Secretary ay umaasa si Senator Marcos na tuluyang magagalit ang pangulo sa mga smuggler para masawata na ang agricultural smuggling at magkaroon ng ‘fear factor’ ang mga smuggler sa tanggapan ng presidente.