Senator Imee Marcos, posibleng ginagamit lang ng China para takutin ang publiko – defense analyst

 

Posibleng ginagamit lang ng China si Senator Imee Marcos para takutin ang publiko at magdulot ng perwisyo sa Pilipinas nang hindi gumagamit ng dahas.

Ito ang iginiit ng defense analyst at Dela Salle University professor Renato De Castro sa interview ng RMN Manila, kasunod ng pahayag ng senador na may mga Chinese hypersonic missile na nakatutok sa ilang mga lugar sa bansa.

“Chances are ho, unfortunately ho baka ginagamit ang ating magaling na senadora ng isang Chinese air tactics for information warfare para lang ho takutin tayo.”


“Very active ho talaga sila dito kasi ang goal talaga ho ng China hangga’t maaari, to win without actually fighting, and you achieve it po by posing division, posing demoralization to the Philippine society.”

Aniya, hindi rin gagamit ng hypersonic missile ang China laban sa Pilipinas dahil experimental weapon pa lang ito.

Hindi rin aniya pagtutuunan ng China ang mga EDCA site sa bansa dahil bodega lamang ito kumpara sa malalaking base militar ng Amerika sa ibang mga bansa.

“Kung ako ho ang Tsina, ilan pa lang ho ‘yung hypersonic missiles ko ho, hindi ko ho gagamitin sa Pilipinas kasi ‘yung mga EDCA site po naman talaga mga bodega lang ‘yan, tatargetin ko ho ‘yung mga U.S. bases ho sa Okinawa, Japan at sa Guam, ayun ho talaga ‘yung tinatawag nating high-value target. So bakit po pagtutuunan ‘yung mga bodega lang? Runways na hindi pa ho nakukumpleto sa Pilipinas.”

Dagdag pa ni De Castro, posibleng targetin ng China ang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil malaki ang tyansa na may alam ang mga ito sa military plan.

Facebook Comments