Inamin ni Senator Joel Villanueva na inalok siya ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na maging vice chairman ng pagdinig ng Senado tungkol sa drug war ng dating Duterte administration.
Pero paglilinaw ni Villanueva, hindi pa siya myembro ng Senate Blue Ribbon Committee bagama’t maaaring makilahok sa mga pagdinig ng komite ang mga hindi myembro.
Agad namang nilinaw ni Villanueva na kailangan niya munang mahalal bilang bahagi ng komite sa pagbubukas ng kanilang sesyon sa November 4.
Naniniwala ang senador na napili siyang maging vice chairman ni Pimentel dahil na rin sa naging posisyon at track record niya noong mga panahong unang napapaulat ang extra judicial killings (EJKs) sa war on drugs.
Sa Lunes ay ikakasa ng Senado ang imbestigasyon sa war on drugs kung saan inaasahan ang pagharap dito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.