Senator Joel Villanueva, nanawagang unahin muna ang kapakanan ng lokal na magbababoy bago payagan ang restriksyon sa importasyon ng baboy

Nanawagan si Senator Joel Villanueva sa Department of Agriculture (DA) na unahin muna ang kapakanan ng mga lokal na magbababoy at pagsugpo sa African Swine Fever (ASF) bago payagan o luwagan ang restriksyon sa importasyon ng baboy sa ibang bansa.

Ayon kay Villanueva, nahihirapan ang mga hog raiser sa bansa dahil sa pananalasa ng ASF na dapat sanang unahing sugpuin at bigyang ayuda kaysa aprubahan ang pag-aangkat ng karne ng baboy.

Hindi rin aniya ito naniniwala na ang solusyon sa krisis ay ang pag-import ng karne dahil ang imported na virus ang mismong pumapatay sa ating mga baboy.


Kung magpapatuloy naman ang pagbabawas sa taripa ng mga import na baboy, sinabi ni Senator Panfilo Lacson na posibleng umabot sa P3.6 billion ang mawawala sa kita ng gobyerno.

Kung sa kabuuan kasi aniyang P6.1 billion na kadalasang kinikita ng bansa galing sa taripa ng import na baboy, mababawasan pa ito ng P2.5 billion dahil sa pagbabawas.

Sa ngayon, itinanggi na ni Agriculture Secretary William Dar ang pagkakasangkot nito sa isyu ng ‘tongpats’ sa suhulan sa DA partikular sa meat importation.

Facebook Comments