Senator Kiko Pangilinan, burukrasya ang nakikitang sagabal sa paggulong ng bakuna kontra COVID-19

Burukrasya ang magiging sagabal sa paggulong ng COVID-19 vaccine sa bansa hindi ang problema sa budget.

Ito ang pahayag ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa kabila ng paglaan ng gobyerno ng P72.5 billion para sa nasabing bakuna sa ilalim ng 2021 budget.

Ayon sa senador, ang mabagal na pagkilos ng Executive Department ang dahilan kaya in-extend ng Senado ang validity ng paggamit sa pondo ng 2020 budget pati na ang Bayanihan 2.


Habang iginiit din ni Pangilinan na ‘underspending’ ang ginagawa ng Executive Branch sa gitna ng pagpapatupad COVID-19 pandemic.

Facebook Comments