Senator Koko Pimentel, hindi na interesado sa unity talks sa PDP-Laban

Sarado na si Senator Aquilino “Koko” Pimentel sa anumang unity talks sa loob ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Ayon kay Pimentel, hindi na siya interesadong makipag-usap sa grupo ni Energy Secretary Alfonso Cusi at nais na lamang niyang maiugnay sa mga taong pinagkakatiwalaan niya.

Giit pa ng senador, dapat ay bumuo na lamang ng sariling grupo sina Cusi kaysa i-highjack ang kanilang partido.


Kumpiyansa naman si Pimentel na mananalo sila sa kaso sa Commission on Elections (COMELEC).

Facebook Comments