Senator Koko Pimentel, positibo sa COVID-19

126

Inihayag ngahon ni Senator Koko Pimentel na siya ay positibo din sa COVID-19 test, at dis-oras na kagabi ng nalaman niya ang resulta base sa test na ginawa sa kanya noong nakaraang Biyernes.

Ayon kay Pimentel, nilimitahan niya ang galaw at pakikisalamuha noong  huling araw ng session noong March 11, at tatawagan nya ang lahat ng natatandaan niyang nagkaroon ng close contact sa kanya.


Naka-quarantined na si Pimentel alinsunod sa utos ng kanyang doctor.

Humihiling si Pimentel ng panalangin, lalo na para sa kanyang misis na si Kath na nakatakdang magsilang sa kanilang baby girl.

Nagpasalamat din si Pimentel sa lahat ng frontline medical workers sa buong bansa na maituturing na bayani sa pagbubuwis ng buhay laban sa COVID-19.

Giit ni Pimentel sa lahat, gawin ang mga pag-iingat para hindi mahawaan ng sakit tulad ng social distancing, pananatili ng kalinisan at pagsunod sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Tiwala si Pimentel na malalagpasan nating lahat ang hamong hatid ng COVID-19.




Facebook Comments