Senator Lacson, hindi pa tapos sa mga expose laban kay Secretary Duque

Hindi pa tapos si Senator Panfilo Ping Lacson sa pagbubunyag ng mga kontrobersiya laban kay Secretary Francisco Duque III.

 

Ayon kay Lacosn, hanggang ngayon ay may lumalapit pa sa kanya at nagbibigay ng mga dokumento na nagsasangkot kay duque at mayroon pang nais tumestigo.

 

May impormasyon din si Lacson na nakikipag-ugnayan si Duque sa mga kaalyado ni dating Pangulong Gloria Arroyo para makausap at mahingan ng tulong ang mga kongresista.


 

Si Duque ay nagsilbi ding kalihim ng DOH sa ilalim ng Arroyo administration.

 

Ayon kay Lacson, may mga pagkilos din si Duque para sya ay makausap na okay lang naman pero mas mainam aniya kung sa publiko ito magpapaliwanag.

 

Samantala, nagpadala naman ng liham si Duque sa senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon.

 

Sa liham ay umaapela si Duque na ipagpaliban ang padinig ng senado na nakatakda sa susunod na linggo dahil sya ay abala sa paglilibot sa ibat-ibang bahagi ng bansa kaugnay sa paglaganap ng dengue.

 

Nangako naman si Duque na makikipagtulungan sa imbestigasyon ng senado.

Facebook Comments