Manila, Philippines – Para kay Committee on Public Order Chairman Senator Panfilo Lacson matagal ng umaakto bilang terorista ang New People’s Army o NPA dahil ilang dekada ng naglaho ang ideolohiya nito.
tinukoy ni lacson na kabilang sa gawain ng NPA na maituturing na anyo ng terorismo ang pagsunog sa mga establisyemento, panghaharass at pagpatay sa mga inosenteng sibilyan, pwersahang paghingi ng salapi sa mamamayan bilang revolutionary taxation.
Pahayag ito ni Lacson bilang pagsuporta sa plano ni Pangulong Rodrigdo Duterte na ideklarang terorista ang NPA.
Ayon kay lacson, tanging si pangulong duterte lang ang may lakas ng loob na ideklarang terorista ang NPA na nagpapanggap lang bilang “army of the people”.
Umaasa si Lacson na sa oras na magawa ito ng pangulo ay kikilos agad ang security forces ng gobyerno para tuldukan ang halos kalahating siglo nang paghahasik ng dahas ng bandidong grupong NPA.