Senator Lacson, may hinala na ang bagong pwesto ni Supt. Marcos ay para sa promotion nito

Manila, Philippines – May hinala si Senator Panfilo Ping Lacson na kaya itinalaga si Supt. Marvin Marcos sa CIDG region 12 ay para ma-promote ito sa ranggong Sr. Superintendent.

Ang nasabing duda ay nabuo matapos ang pagdinig na isinagawa ng pinamumunuan ni Lacson na committee on public order and dangerous drugs hinggil sa pagbalik sa serbisyo ng grupo ni Marcos na sangkot sa pagpatay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Sa pagdinig ay inamin naman ni General Dela Rosa na ang bagong pwesto nga ni Marcos ay isang entry position para sa ranggong Senior Superintendent.


Facebook Comments