Senator Lacson, naglatag ng kondisyon bago imbestigahan ang Ozamiz raid

Manila, Philippines – Naglatag ng kondisyon si Committee on public Order and Dangerous Drugs Chairman Senador Panfilo Ping Lacson bago tugunin ang hiling ni Senador Leila de Lima na imbestigahan ang madugong raid sa bahay ng pamilya Parojinog sa Ozamiz City.

Ayon kay Lacson, hindi pa nya nababasa ang resolusyon na inihain ni de Lima.

Kondisyon ni Lacson, dapat may testigo na handang humarap sa senado na magpapatunay ng alegasyon na summary executions at umabuso ang pulisya sa kanilang operasyon.


Ikinatwiran ni Lacson na kung walang testigo na haharap sa pagdinig ay hindi niya sasayangin ang oras ng senado.

Paliwanag ni Lacson, magsisimula na ang budget hearing sa susunod na linggo at marami ding nakabinbin na panukala sa kanyang komite na kailangan niyang talakayin.

Bago pa maghain ng resolusyon si Senator de Lima, ay inihayag na ni Lacson na wala siyang nakikitang iregular sa ginawa ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG na pagsisilbi ng search warrant ng madaling araw dahil yun ay para sa element of surprise.

Pabor din si Lacson na pinatay o inalis ang CCTV cameras para hindi makompromiso ang mga asset ng pulisya.

“I haven’t read the reso yet. If witnesses are willing to face the senate to testify on the probability of summary executions or excesses in the police operations conducted, I believe that an investigation is in order. Otherwise, I don’t want to sacrifice the time of the senate for our budget hearings that will start early next week, not to mention the pending bills that I have to tackle in my committees,” pahayag ni Senator Lacson.

Facebook Comments