Sang-ayon si presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson sa rekomendasyon na tanggalin na ang pinatutupad na Alert Level System at pairalin na lang ang granular lockdown.
Kumbinsido si Lacson na panahon para magpatupad ng kinakailangang pagluluwag upang makabangon ang ekonomiya ng bansa.
Mungkahi ng senador, bago tuluyang ikasa ang masabing hakbang ay mainam na tingnan ang karanasan ng mga bansa sa Europa na nagluwag na rin sa gitna ng pandemya.
Para kay Lacson, matindi na ang hagupit sa ekonomiya ng dalawang taong implementasyon ng mga lockdown at alert levels.
Kaugnay nito ay iginiit ng senador ang mabilisang aksyon sa pangangalap ng datos na may kaukulang konsiderasyon sa siyensya na maaaring iprisinta ng mga health expert sa pakikipag-konsultasyon sa kanilang foreign counterparts.
Diin ni Lacson, ang susi sa sitwasyon natin ngayon ay sense of urgency o mabilis na pagkilos.