Senator Lacson, pinaghahanda ang publiko sa mas mabangis na war on drugs

Manila, Philippines – Pinayuhan ni Senator Panfilo Ping Lacson ang publiko na maging handa sa mas mabangis na war on drugs na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Lacson posibleng maulit ang mga nangyari sa una at kalahating taon ng Duterte Administration.

Sabi ni Lacson ito ay ang pinakamadugong kampanya laban sa iligal na droga na nasaksihan ng mga Pilipino dito sa ating bansa o sa bahaging ito ng mundo.


Para kay Lacson, ang hakbang ni Pangulong Duterte ay nagpapakita ng pagkukumahog na tuparin sa nalalabing tatlong taon ng kanyang termino ang pangako noong panahon ng kampanya na resolbahin ang problema sa illegal drugs.

Hinggil dito ay ibinabala ni Lacson ang hindi magandang kakahinatnan kung hindi makokontrol ang mas pinag-igting na anti-drug campaign.

Facebook Comments