Senator Lacson, pinagsabihan si Secretary Taguiwalo na mag-behave

Manila, Philippines – Nabuwisit si Senator Panfilo Ping Lacson habang nadismaya naman ang iba pang senador sa pagmamaktol ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo makaraang hindi matuloy ngayong araw ang ikalawang pagsalang niya sa Commission on Appointments o CA confirmation hearing.

Sa kanyang mensahe sa twitter account ay inakusahan ni Taguiwalo ang CA na sinasadya ang pag-delay sa kanyang confirmation.

Sabi ni Taguiwalo, tila sinasaktan at tinorture siya ng makapangyarihang komisyon.


Agad binatikos ni Lacson ang behavior ni Taguiwalo dahil may dahilan naman kaya na-resched ang pagsalang nito sa confirmation hearing kanina.

Naubos kasi aniya ang oras ng CA sa pagdinig sa appointment ng ilang ambassadors at foreign service officers at ni Health Secretary Paulyn Ubial.

Nagbanta pa si Lacson na babawiin ang suporta pabor sa kumpirmasyon ni Taguiwalo dahil sa hindi magandang inaasal nito laban sa CA.

Maging ang mga CA members na Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senator Jv Ejercito ay nagsabi din na hindi naman sinasadya na ma-delay ang proseso ng pagkumpirma kay Taguiwalo.
DZXL558

Facebook Comments