Senator Lacson, pinagsosorry ng Kamara, mga kongresista, tinawag na isip bata si Lacson

Pinagsosorry ng mga kongresista si Senator Ping Lacson kasabay ng mga maling akusasyon nito laban sa Kamara.

 

Sa ginawang privilege speech ni Capiz Rep. Fredenil Castro sa plenaryo, iginiit nito na dapat humingi ng paumanhin si Lacson dahil niyurakan nito ang reputasyon ng buong institusyon.

 

Sinegundahan naman nila House Minority Leader Benny Abante at Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor ang panawagan na mag-sorry ang senador sa mga kongresista.


 

Bukod dito, tinawag din na isip bata si Lacson dahil sa mga binitawang bintang na aniya’y reckless at iresponsable sa parte ng senador.

 

Ang dapat aniyang ginawa ni Lacson ay kinausap ang mga dating kasama sa Senado na sina Speaker Alan Peter Cayetano at Deputy Speaker Loren Legarda para beripikahin ang impormasyon tungkol sa alegasyon na siningatan ng pork barrel ang 2020 budget.

Facebook Comments