Manila, Philippines – Para kay Senator Panfilo Ping Lacson, walang saysay ang magkakaibang reaksyon at komento ukol sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na deklarasyon ng revolutionary government.
Buo ang tiwala ni Lacson na hindi tototohanin ni Pangulong Duterte ang pagtatatag ng isang revolutionary government.
Sabi ni Lacson, kilala naman si Pangulong Duterte sa mga pabigla biglang pahayag.
Naniniwala si Lacson na alam ni Pangulong Duterte na hindi nito maaring itatag ang isang revolutionary government ngayon at sa nalalabi pang panahon sa kanyang termino.
Lacson: By now, we should already be accustomed to PRRD’s impulsive statements. I don’t believe he will declare a revolutionary government – not now, not anytime during his term. He knows he won’t and can’t do it. Having said that, there’s no point reacting negatively or otherwise to such and other similar pronouncements.