Manila, Philippines – Walang nakikitang dahilan si Senator Panfilo Ping Lacson para magdeklara ng revolutionary government si Pangulong Rodrigo Duterte dahil wala namang rebolusyon na nangyayari ngayon sa bansa.
Giit pa ni Lacson, labag ito sa constitution at siguradong hindi susuportahan ng Sandatahang Lakas.
Sa tingin ni Lacson, hindi seryoso si Pangulong Duterte sa bantang dekalrasyon ng revolutionary government.
Kilala naman aniya ang Pangulong Duterte na basta naman kang sinasabi ang laman ng isip niya pero may mga pagkakataon na binabawi din niya at hindi naman isinasagawa.
Facebook Comments