Senator Legarda, pinapasama ang DBM sa pagbalangkas ng IRR para sa Free Tertiary Education Act

Manila, Philippines – Iginiit ni finance committee chairperson Senator Loren Legarda sa Department of Budget and Management o DBM na maging bahagi sa pagbalangkas ng Implementing Rules and Regulations o IRR ng Free Tertiary Education Act.

Ayon kay Legarda, mahalaga ang magiging papel ng DBM sa pagbuo ng IRR dahil ito ang ahensyang nakatutuk sa paglalatag ng budget ng pamahalaan.

Kaugnay nito ay pinakikilos din ni Legarda ang Commission on Higher Education o CHED para agad na maipatupad ang batas na magkakaloob ng libreng matrikula para sa mga estudyante sa State Colleges And Universites o SUCs, kasama din ang Local Universities and Colleges at mga State-Run Technical-Vocational Institutions.


Sabi ni Legarda, dapat matiyak na maipapatupad na sa susunod na school year ang naturang batas matapos na lagdaan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Dagdag pa ni Legarda, kung ngayong taon ay nagawang mapondohan ang SUCs ay tiyak na magkakaroon din ito ng bugdet para sa taong 2018.

Magugunitang si Senator Panfilo Ping Lacson noon ang nagsulong na mailagay sa SUCs ang nasilip niyang 8.3 billion pesos na pork barrel na nakasiksik sa ibat ibang ahensya ng pamahalaan noong tinatalakay ang panukalang 2017 national budget.

Facebook Comments