Senator Legarda, tiwalang mababasura ang petisyon para ipawalang bisa ang proklamasyin bilang Antique representative

Kumpyansa si Senator Loren Legarda na muling mababasura ang panibagong petisyon na inihain laban sa kanyang pagkapanalo bilang kinatawan ng antique.

 

Pahayag ito ni Legarda kaugnay sa petisyon na inihain ni Dating Antique Gov. Exequiel Javier na nagpapawalang bisa sa kanyang proklamasyon.

 

Diin ni Legarda palagi naman syang panalo laban sa mga petisyon na ibinabato laban sa kanya.


 

Inihalimbawa ni Legarda ang kasong kumkwesyon sa kanyang paninirahan o reaidency issue sa Antique na isinampa sa election registration board in pandan, sa Municipal Trial Court Antique at sa Comelec at sa provincial Comelec.

 

Pinaghuhugutan ni Legarda ng kumpyansa para magtagumpay ang pagmamahal na ibinigay sa kanya ng nakararami.

 

Gayundin ang mandato na ibinigay ng 199,187 ma bomoto sa kanya sa Antique.

 

 

 

Facebook Comments