Manila, Philippines – Nababahala na si Senator Leila De Lima sa dumadalang na balita hinggil sa extra judicial killings sa bansa.
Ayon kay De Lima, parang nagkakaroon na ng news fatigue o nawawalan na ng gana ang publiko sa nasabing usapin.
Ikinalungkot din ni De Lima na tila hindi na mabigyan ng halaga at espasyo sa mga pahayagan ang mga kaso ng EJK.
Nagtataka aniya siya kung bakit biglang nanahimik ang mga otoridad sa pagbibigay ng official body count ng mga napapatay sa police operations at ng mga hindi nakikilalang salarin o vigilante.
Kasunod nito, hinimok ng senadora ang publiko na manawagan ng transparency at accountability kaugnay ng mga kaso ng EJK sa bansa.
Facebook Comments