Senator Leila de Lima, pasok sa magic 12 sa mock elections ng iba’t ibang mga unibersidad

Nagpasalamat si Senator Leila de Lima sa natatangap na suporta ngayong kabilang siya sa top senatorial picks ng mga kabataan sa ilang mock elections.

Ayon kay De Lima, natutuwa siya na nananatiling mulat sa katotohanan at lumalaban para sa hustisya ang mga kabataan.

Nabatid na madalas pumasok si De Lima sa magic 12 ng poll surveys na isinasagawa sa mga paaralan at unibersidad sa buong bansa.


Kabilang na rito ang ginawang mock elections ng De La Salle – College of Saint Benilde, Polytechnic University of The Philippines (PUP) – Sta. Mesa, University of the Philippines Diliman at UP Mindanao, Philippine Normal University System, Xavier School at Rizal Technological University.

Sabi pa ng senadora, umaasa siyang mas dadami pa ang mga kabataang maghihikayat sa kapwa na bumoto ng mga nararapat at competent na lider sa nalalapit na halalan sa Mayo 9.

Facebook Comments