Senator Leila de Lima, pinarangalan ng Commission on Human Rights

Kinilala si Senator Leila de Lima bilang isa sa awardees ng Commission on Human Rights para sa pagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan at ng gender equality.

Sa isang mensahe, nagpaabot ng pasasalamat ang senadora sa CHR dahil sa patuloy na pagsuporta sa kaniyang mga adbokasiya.

Itinuturing ni de Lima na malaking karangalan ang mapabilang sa pinarangalan dahil sa pagtatanggol sa karapatan ng tao lalong lalo na ng mga kababaihan.


Ayon kay de Lima, ang mga napagtagumpayan noon ng CHR sa ilalim ng kaniyang pamumuno ang nagsisilbing pundasyon ngayon ng maraming polisiya para sa pagpapatupad ng mga batas na may paggalang sa dignidad at buhay ng bawat tao.

Kasunod nito, hinimok din ng senadora ang mga kababaihan na patuloy na tumindig para sa dignidad ng bawat isa at sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng indibidwal.

Facebook Comments