Senator Lito Lapid, nakalabas na ng hospital matapos ma-confine dahil sa COVID-19

Nakalabas na ng Medical City Clark sa Pampanga si Senator Lito Lapid na ilang araw na nananatili sa hospital matapos tamaan ng COVID-19.

Ayon sa kaniyang tanggapan, sa bahay na ipagpapatuloy ni Lapid ang lubusang pagpapagaling.

Matatandaan na noong August 23 ay inanunsyo ng kaniyang Chief of Staff na si Atty. Jericho Acedera na nagpositibo sa COVID-19 si Lapid.


Sa impormasyon mula sa kaniyang tanggapan ay mild to moderate ang naging kondisyon ni Senator Lapid na fully vaccinated na rin.

Si Lapid ay ikapitong senador na nagpositibo sa COVID-19.

Naunang nahawa ng virus at gumaling na sina Senators Juan Miguel Zubiri, Sonny Angara, Koko Pimentel, Ronald “Bato” dela Rosa, Ramon “Bong” Revilla Jr. at Richard Gordon.

Facebook Comments